Chinese1 Ang makulay na fireworks display sa Chinese New Year at ang magarbong parada ng mga Tsinoy sa Binondo,Manila..

Tsino, Pinoy dumagsa sa Binondo para sa Chinese New Year

Jon-jon Reyes Jan 29, 2025
23 Views

Chinese2HINDI lamang mga Chinese national kundi mga Filipino rin ang dumagsa sa Binondo partikular sa kahabaan ng kalye ng Ongpin sa Binondo kung saan idinaraos ang Chinese New Year.

Kaliwa’t kanan ang ginagawang selebrasyon, dragon dance, at iba’t ibang grupo ng mga mananayaw na ang iba ay nagbubuga pa ng apoy.

May mga batang Filipino rin na lumikha ng sariling version ng dragon dance gamit ang basyong case ng mga prutas, sako at tambol na timba.

May mga nagkalat din na may dalang ampao na nanghihingi ng donasyon.

Nagkalat din ang mga panindang iba’t ibang uri ng pagkain, mga prutas, lucky charms bracelets, at tikoy na nakalagay sa pinakamaliit hanggang pinakamalaking box

Ilang personalidad rin ang bumisita sa Binondo. Si dating SILG Secretary Benhur Abalos ay nagsimba sa Binondo Church, bahagi ng kanyang mensahe ang pakikiisa sa selebrasyon ng mga Chinese at Filipino Chinese na aniya ay bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas, gayundin sina Dating Manila Mayor Isko Moreno at tandem na si Chi Atienza na sinamahan ng mga tagasuporta sa paglilibot sa Chinese community.

Idinaos naman ang Golden Parade na tampok sa selebrasyon ng Chinese New Year.