Calendar
Naghamon ng away habang may cal .45, tiklo
NAGHIHIMAS na ng malamig na rehas ang 33-anyos na lalaking “trigger happy” ng mahuli sa akto ng mga pulis na naghahamon ng away habang may bitbit na baril noong Biyernes sa Malabon City.
Dinis-armahan ng mga pulis si alyas Meiszon matapos maaktuhang nagsisisigaw at hinahamon ang sinuman sa kanilang lugar sa Block 17, Lot 68, Phase 2, Area 3, habang mayhawak na kalibre 45 na baril.
Una munang nagpaputok ng baril ang suspek dakong alas-6:00 ng umaga kaya’t agad na nirespondehan ng mga pulis ang reklamo.
Pagdating ng mga pulis sa lugar, nilapitan nila si alyas Meiszon kaya nadis-armahan at nakuha ang hawak niyang baril na may tatlong bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 11926 (Willful Indiscriminate Discharge of Firearms) at RA 10591 na may kaugnayan sa BP 881 (Omnibus Election Code) sa Malabon City Prosecutor’s Office.