BBM

Wage hike sa manggagawa pag-aaralan ni PBBM

Chona Yu Jan 31, 2025
15 Views

TINITIMBANG pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang P200 dagdag sahod sa arawang manggagawa.

Sa ambush interview sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na mayroong binuong tripartite board na magsasagawa ng pag-aaral.

“Well, the thing is we have a tripartite board that actually determines the increase in the wage. So, we have to still — we still have to study it further to see how that will work together. Because this is — the tripartite body was creation of Congress din eh. Sila ang nagbuo niyan and nagsulat sila ng batas at nagbuo ng ganyang klaseng entity. Iyan ang trabaho nila, para alamin kung ano ‘yung dapat maging minimum wage,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Batid ni Pangulong Marcos na tumataas ang bilihin at ang problema sa inflation.

Pero ang inaalala ni Pangulong Marcos ay maapektuhan ang mga maliliit na negosyante na nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs) tulad ng mga sari-sari store, beauty parlor at iba pa.

Nangangamba si Pangulong Marcos na kung itataas ang sweldo ay maaaring mapilitan ang mga employer na magbawas ng empleyado.

Wala naman aniyang problema sa mga corporate o malalaking kompanya dahil tiyak na kakayanin ng mga ito na magbigay ng umento sa sahod.

“So, papaano ‘yun? How will that affect the economy? How will that affect the MSMEs?” tanong ni Pangulong Marcos.

“Pero palagay ko naman there is a way to increase that but we have to resolve the legal issues, we have to resolve the economic issues. So, it still deserves a great deal of study,” dagdag ni Pangulong Marcos.