Dios Mabalos, Ka Edcel–Sen. Risa

57 Views

NAGDADALAMHATI si Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros sa pagpanaw ni Albay Rep. Edcel Lagman na ayon sa kanya’y isang dedikadong abogado ng karapatang pantao at walang pagod na tagapagtaguyod ng mga sektor na nasa laylayan ng lipunan.

“My most heartfelt condolences go to the Lagman family, including his daughter, Tabaco City Mayor Krisel Lagman, and the people of Albay on the passing of Ka Edcel Lagman,” sabi ni Sen. Hontiveros.

Binigyang-pugay niya si Lagman, lalo na ang paninindigan ng kongresista sa pagtatanggol sa mga less privileged sa buhay.

Pumanaw si Lagman noong Enero 30 sa edad na 82 dahil sa cardiac arrest.

Binalikan ni Hontiveros ang kanilang pagtutulungan sa pagsusulong ng mga batas na naglalayong mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

“I am immensely honored to have fought alongside Ka Edcel in pushing for pro-people legislation like the Cheaper Medicines Act, the Responsible Parenthood and Reproductive Health Law, and quite recently, the proposed Prevention of Adolescent Pregnancy bill,” aniya.

“Despite many adversities, Ka Edcel never backed down and never gave up,” sabi ni Hontiveros.

“As a lawmaker, he advocated for the rights of women, children, LGBTQ+ persons, and other marginalized sectors—even when doing so was misunderstood and unpopular,” dagdag ng senador.

Tiniyak ni Hontiveros na magpapatuloy ang laban ni Lagman kahit wala na siya. “Huwag kang mag-alala. Kami ng buong sambayanan ang magtutuloy ng inyong laban. Dios Mabalos, Ka Edcel. Padabaon taka,” aniya.

Sa kabila ng kanyang paglisan, tiniyak ni Hontiveros na ang legasiya ni Lagman mananatili sa pamamagitan ng mga patuloy na ipinaglalaban ang mga adhikain na kanyang isinulong sa buong buhay niya.