PBBM

PBBM lalong tumibay loob na magbigay ng serbisyo publiko

Chona Yu Jan 31, 2025
16 Views

LALONG tumitibay ang loob ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagandahin pa ang pagbibigay serbisyo publiko.

Pahayag ito ni Pangulong Marcos matapos ang Social Weather Station survey na nagsasabing 59 percent sa mga Filipino ang kuntento sa trabaho ng administrasyon.

Sa ambush interview sa Development Academy of the Philippines (DAP) graduation sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutuwa na nararamdaman ng tao ang ginagawa ng pamahalaan.

“Of course, it’s always good to see that what we are doing is reaching most – the majority of people at nararamdaman naman nila ‘yung mga aming ginagawa,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So, of course, it’s very encouraging. Siyempre lalakas ang loob namin para patibayin pa, pagandahin pa namin ang trabaho naming,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nasa mahigit 600 estudyante ang nagtapos sa DAP.

“Mabuti ito na may mga graduate na tayo na papasok ulit sa pamahalaan na bagong trained, ‘yan ang mga kailangan talaga natin. That I’m sure inspires them as well as all of us public servants to continue doing the best that we can for our people,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pakiusap ni Pangulong Marcos sa DAP graduates, itaguyod ang good governance at kapakanan ng taong bayan.