Calendar
P612K shabu narekover sa tricycle driver
ARESTADO ang 21-anyos na tricycle driver dahil sa pag-iingat ng P612,000 na halaga ng shabu sa buy-bust sa Quezon City noong Linggo.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director P/Col. Melecio Buslig Jr. ang suspek na si alyas Saptula ng Lower Jasmine Ext., Brg. Payatas A, Quezon City.
Ayon kay P/Lt. Col. Rolando Baula, hepe ng Payatas Bagong Silangan Police Station 13, isinagawa ang anti-illegal drug buy-bust dakong ala-1:50 ng madaling araw.
Nakumpiska mula kay Saptula ang humigit-kumulang 90 gramo ng shabu na may standard drug price na P612,000.
Bukod sa ilegal na droga, nakumpiska rin mula sa supek ang isang itim na coin purse, isang Realme C51 smartphone at buy-bust money.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa tricycle driver.