Calendar
2025 budget transparent ayon sa Malakanyang
TINIYAK ng Palasyo ng Malakanyang na transparent ang 2025 General Appropriations Act (GAA).
Tugon ito ng Palasyo ng Malakanyang sa panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na maging lights of hope sa pamamagitan ng pag-reject sa national budget.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi dapat na kalimutan ng publiko na nag-veto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng P194 bilyon na isiningit sa budget.
“No president before him had ever so deeply and comprehensively purged the budget of unnecessary items,” pahayag ng Malakanyang.
Inatasan din ni Pangulong Marcos na mag-rechannel ng bilyong pondo para sa mga program ana may kinalaman sa social good, magbibigay progreso at magsusulong ng kapakanan ng mamamayan.
“There are now stricter conditionalities for budget releases, ensuring alignment with national priorities and protection from partisan interests. Having undergone adjustments permitted by law, the funds will be released transparently and in accordance with good governance principles and laws,” dagdag ng Malacañang.
Sinabi pa ng Malacañang na hindi kinakalimutan ni Pangulong Marcos na galing sa taong bayan ang budget kung kaya kailangan na kilalanin ang sakripisyo ng mga ito.