BARMM

2 senador pabor na BARMM eleksyon ipagpaliban

19 Views

IPINAHAYAG ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Martes ang kanyang suporta sa pagpapaliban ng unang regular na eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), dahil aniya, makakatulong ito upang mabigyan ng mas mahabang panahon ang rehiyon na maghanda at palakasin ang mga pangmatagalang hakbang para sa kapayapaan.

Suportado ni Cayetano ang Senate Bill No. 2924 sa ilalim ng Committee Report No. 466, na naglalayong ipagpaliban ang eleksyon sa BARMM mula Mayo 11, 2025, patungo sa Oktubre 30, 2025.

“It would be more logical to give them this entire year to prepare for the elections and allow them to set long-term targets for their region and budget—targets that will shape the region in the next 5 to 10 years,” aniya.

Hinimok din natin ang suporta para sa pagpapaliban ng eleksyon, na maaaring ‘makapagtipid sa gobyerno ng bilyun-bilyong piso.

Bagamat dati siyang kritiko ng Bangsamoro Basic Law, binigyang-diin ni Cayetano ang kanyang dedikasyon sa kapayapaan at pakikipagtulungan sa kasalukuyang pamahalaan ng BARMM. “I’m glad that when we shook hands now with the Bangsamoro government, it was very warm because once upon a time we were debating harshly against each other,” aniya.

Kinilala rin niya ang mga hamong kinakaharap ng mga pinuno ng BARMM sa pagpapatupad ng mga reporma. “The reality is that if we go back to the status quo ante before the peace agreement, it would be dangerous for all of us,” dagdag niya. “We need to stay invested in the peace process.”

Sinabi naman ni Senador Juan Miguel Zubiri na ang kamakailang desisyon ng Korte Suprema na ihiwalay ang Sulu mula sa BARMM ay nangangailangan ng muling pagsasaayos sa komposisyon ng Bangsamoro Parliament. Dahil dito, sinusuportahan niya ang pagpapaliban ng eleksyon upang maisagawa ang kinakailangang pagbabago sa representasyon sa parlamento.

“We need time to reconfigure that composition of the Bangsamoro Parliament to address the parliamentary seats that would have belonged to Sulu. We must also consider the legislative representation of the special geographic areas that we are trying to establish as a new province in the Bangsamoro to make sure that they are not disenfranchised when it comes to the elections,” paliwanag ni Zubiri.

Itinatakda ng Senate Bill No. 2942 na ipagpaliban ang unang regular na eleksyon sa BARMM sa Agosto 11, 2025, at isabay ang susunod na halalan sa pambansang eleksyon sa 2028, na gaganapin tuwing tatlong taon mula noon.