Suspeka Nagbibigay ng salaysay si Gng. Lourdes sa harap ni Police Major Val Valencia kaugnay sa fake news na kumalat tungkol sa mga masasamang loob na may pinapakain sa mga biktima sa Ermita, Manila.

MPD: FB post ng holdap na may pasubo fake news

Jon-jon Reyes Feb 4, 2025
25 Views
PALAISIPAN sa mga pulis ng Manila Police District (MPD) kung anong grupo ang nanghoholdap sa pamamagitan ng pagpapanguya ng substance na pinalalagay na nakakawala ng malay na napatunayang “fake news” pala.
Sa post sa FB, ikwinento ni Gng. Lourdes ang karanasan ng kanyang asawa na tinutukan ng patalim noong Enero 31 bandang alas-12:00 ng hatinggabi sa Pedro Gil St., Ermita, Manila.
Hinarang ng tatlong suspek na holdaper si alyas Justin at binantaan siya na hindi na siya uuwi nang buhay kung hindi niya kakainin ang substance na ibibigay nila.
Dahil sa takot, nagkunwari ang biktima na nalunok siya ng kaunti ang substance.
Nang iwan siya ng mga salarin, iniluwa niya ang sangkap at umuwi na pero nahilo at nanlamig ang buo niyang katawan.
Nag-imbestiga ang mga pulis at napatuyang fake news ang FB post ng ginang kaya tinanggal na niya ang post.
Ang payo ng mga pulis, huwag maniwala sa fake news.