Ibay Iniharap ni MPD Director PBGen.Arnold Thomas Ibay ang suspek na naaresto ng mga kapulisan ng PCP-Alvarez. Kuha ni JONJON REYES

Kelot tumangay ng motorsiklo, nakorner

Jon-jon Reyes Feb 5, 2025
21 Views

NAKORNER ng mga operatiba ng MPD ang isang 25 anyos na lalaki matapos tangayin ang isang motorsiklo sa kahabaan ng Fugoso St,corner Felix Huertas St,, Sta Cruz, Manila.

Nakilala ang suspek na si alyas John Paul, 25, myembro ng Dreaded Commando at residente ng Laong sa Brgy 155, Tondo, Manila.

Ayon sa report ni Police Major Arnold Lising, commander ng Alvarez PCP, bandang 1:50 Sabado ng hapon nang mangyari ang pagtangay sa motorsiklo mula sa 19-anyos na biktima na nakilalang si Francine.

Sa inihayag na imbestigasyon, nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ni PMAJ Arnold Lising sa kanilang area of ​​responsibilities, partikular sa mga crime prone areas, nang marinig at makita nila ang isang babae na tumatakbo habang sumisigaw ng “Motor, tulong!,” sa kahabaan ng Fugoso St,harap Mercury drug,.

Dito na agad nilapitan ng mga pulis ang biktima habang itinuturo ang papatakas na suspek na sakay ng tinangay na motorsiklo.

Naaresto ang suspek at narekober ng mga operatiba ang nakaw na motorsiklo kabilang ang isang (1) cal.38 revolver na pistola na walang kaukulang mga dokumento.

Ang naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10883 (The New Anti-Carnapping Law), at R.A. 10591 (The Comprehensive Law on Firearm and Ammunitions Regulation Act) Kaugnay ng Comelec Resolution No. 11067, Section 261 (Q) ng B.P.881.

Pinuri at pinasalamatan ng butihing director ng MPD Chief PBGen.Arnold Thomas Ibay ang mga kapulisan ng MPD PCP Alvarez-Station.3 sa kanilang maagap na pagresponde at pagsasagawa ng anti-criminality operation sa kanilang area of responsibility.