Romero

Ayuda ng DOLE para sa mga Pinoy deportees sa US pinapurihan ni Rep. Valeriano

Mar Rodriguez Feb 5, 2025
12 Views

TINIYAK ni Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na ipagpapatuloy ng 1-PACMAN Party List sa Kamara de Representantes ang mga adbokasiya at programa nito sa pamamagitan ng susunod na Kinatawan nito sa ilalim ng papasok na 20th Congress.

Sinabi ni Romero, Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, na bagama’t patapos na ang kaniyang ikatlo at huling termino bilang Kinatawan ng 1-PACMAN Party List. Magpapatuloy parin ang mga adbokasiya at programa nito sa tulong ng susunod na hahalili sa babakantehin niyang puwesto.

Ayon kay Romero, ipagpapatuloy ng kaniyang anak na si Mikaela Louise “Milka” Romero bilang first nominee ng 1-PACMAN Party List ang mga sinimulan niyang programa kabilang na dito ang paghahain ng mga makabuluhang panukala na magpapa-unlad at magpapa-angat sa buhay ng mga mahihirap na mamamayan.

Nauna nang ipinahayag ni Romero, dating House Deputy Speaker, na ipagpapatuloy nito ang pagsusulong ng mga panukalang batas na naglalayong mapabuti ang kalunos-lunos na kalagayang mga mahihirap na Pilipino partikular na ang mga maralitang mamamayan.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na bukod sa pagsusulong ng interes at kapakanan ng mga mahihirap na Pilipino. Isa rin aniya sa itinataguyod ng 1-PACMAN Party List ay ang kagalingan o welfare ng mga Pilipinong Atleta na nagbibigay ng malaking karangalan para sa bansa.

Samantala, nagpahayag naman ng malaking pagsuporta ang mga Pilipinong Atleta para sa 1-PACMAN Party List kabilang na ang mga sikat na manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA).