Calendar
Crisologo marami pang panukalang batas na isusulong
MARAMI pang panukalang batas ang nakatakdang buhayin at muling isusulong ni Quezon City 1st Dist. Rep. Anthony Peter “Onyx” D. Crisologo sa kaniyang ikalawang termino bilang kinatawan ng nasabing Distrito.
Ito ang tiniyak ni Crisologo sa panayam ng beteranong TV and Radio Broadcaster na si Rolando “Lakay” Gonzalo na muli niyang ihahain ang mga panukalang batas nito na inabutan na ng pagpapalit ng bagong administrasyon.
“Bilang first termer na congressman, nakapaghain po tayo ng 41 panukalang batas na tayo po ang principal author. Which comprises health care, Senior Citizens, livelihood, pandemic assistance at education. Tuloy-tuloy po ang tulong natin sa ating mga ka-distrito. Pero as congressman tuloy din po ang pagpapasa natin ng mga batas. As well as ang pag-iikot natin sa mga taong nagangailangan. Sapagkat iyon naman talaga ang trabaho ng isang congressman, ang umikot sa mga tao at makihalo-bilo sa ating sinasakupan,” ani Crisologo.
Sinabi ng kongresista na nais nitong buhayin ang mga naiwan niyang panukalang batas o House Bills. Bagama’t aminado ang mambabatas na hindi madaling proseso ang paghahain ng isang HB dahil sa mahabang prosesong kailangan nitong pagdaanan bago maging ganap na batas.
“Hindi po kasi madaling maghain ng House Bill sa Congress dahil sa matagal na proseso. Marami itong Committee Hearings na pagdadaanan. At kapag nakapasa na ito sa Congress kailangan naman nito ng counter measure or counterpart sa Senado. Magkakaroon ng Bicameral talks with our counterpart at the Senate,” sabi pa ni Crisologo.