Calendar
![Madrona](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Madrona-1.jpg)
Panukalang batas na nagkakaloob ng benepisyo, insentibo para sa mga BHW suportado ni Madrona
SINUSUPORTAHAN ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang pagsusulong ng panukalang batas na naglalayong mapagkalooban ng benepisyo at insentibo ang mga Barangay Health Workers (BHW) sa buong bansa.
Sinabi ni Madrona, chairman ng House Committee on Tourism, na napapanahon ang pagsasabatas ng panukala para mabigyan ng nararapat na benepisyo at insentibo ang mga BHW bilang pagkilala sa kanilang napakalaking kontribusyon sa Lipunan.
Ipinahayag pa ng kongresista na napakalaki din ang ambag ng mga Barangay Health Workers sa pagpapanatili ng kalusugan ng isang komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong pagkalusugan para sa mga residente ng isang Barangay.
Binigyang diin ni Madrona na ang Magna Carta of Barangay Health Workers ay naa-angkop sapagkat ang nasabing panukala ay pagbibigay pugay sa dedikasyon ng mga BHW partikular na noong panahon ng COVID-19 pandemic bilang mga frontliners.
Pinangunahan ni Madrona ang inagurasyon at blessing ng bagong classroom building sa Mauricio F. Fabito National Highschool sa Barangay Alegria Romblon na may dalawang palapag at limang silid na inaasahang makakatulong sa mga mag-aaral ng lalawigan.
Pinasinayaan din ng beteranong mambabatas ang ginanap na blessing at turn-over ceremony ng bagong Multi-Purpose Building at Mabini National Highschool sa Barangay Mabini sa gitna ng kakulangan ng mga silid paaralan sa nasaning lalawigan.
Pinasalamatan naman ng mga Romblomanon si Madrona dahil sa kaniyang natatanging serbisyo para paglingkuran ang kaniyang mga ka-lalawigan sa pamamagitan ng mga isinusulong nitong proyekto.