Calendar
Pacquiao inilunsad pormal na pangangampanya sa Laoag City
SA Laoag City inilunsad ni dating Senador Manny Pacquiao ang opisyal na pangangampanya para sa eleksyon sa Mayo.
Kasama ni Pacquiao ang mga kapwa kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Sinaluduhan ni Pacquiao ang katatagan ng mga Ilokano.
Inihalintulad ni Pacquiao ang kanyang buhay sa mga Ilokona na nakayanan na malagpasan ang mga hamon sa buhay mula sa pag-ahon sa kahirapan hanggang sa maging world boxing champion at maging public servant.
“Ang mga Ilocano ay kilala sa sipag, tiyaga, at pagiging matatag sa harap ng pagsubok. Bilang isang taong lumaki sa hirap, nauunawaan ko ang inyong determinasyon at pagmamahal sa pamilya,” pahayag ni Pacquiao.
Oras na mahalal muli sa Senado, pangako ni Pacquiao, itutulak njya ang mga panukalang batas na makatutulong para makaahon ang mga Filipino.
Partikular na tutukan ni Pacquiao ang pagbibigay kabuhayan, sports development, at poverty alleviation.
“Ang mga Ilocano. Kilala sa pagiging resilient. Masisipag, matiisin, at matiyaga. Kilala sa pagiging matibay sa kahit anong pagsubok. Pareho tayo—mula sa mahirap, nagsumikap, at lumaban para sa pamilya at bayan. Kaya ngayon, nandito ako para ipaglaban ang mga Ilokano sa Senado, dahil ang laban ninyo, laban ko rin!”
Ito ang simula ng nationwide campaign ni Pacquiao kung saan mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marxos Jr. ang nagproklama at nagtaaas ng kamay sa mga kandidato.