PBBM sa LMP: Magsilbi, tulungan ang publiko

Chona Yu Feb 12, 2025
16 Views

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga miyembro ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) na magserbisyo pa rin sa publiko kahit na mainit ang papasok na kampanya para sa May 2025 elections.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa LMP General.Assembly sa Manila, sinabi nito na anim na linggo na lang ang hihintayin at papasok na ang panahon ng kampanya para local government officials .

Base aniya sa kanyang karanasan, ang pinakamainit na eleksyon ay ang paglalaban sa mga lokal na pamahalaan kabilang na rito ang eleksyon sa barangay dahil magkakakilala at magkakamag-anak kaya nagkakaroon ng personalan.

Giit pa ni Pangulong Marcos na maging sa mga munisipalidad ay mainit din dahil ito ang proseso ng demokrasya at kailangang makuha ang mandato ng tao para magawa nila ang kanilang trabaho.

Kaya paalala ni Pangulong Marcos sa gitna ng mainit na kampanya at init ng halalan ay hindi dapat kalimutan na pumasok sila sa pulitika para magsilbi at tulungan ang publiko.

“Kahit na mainit na nga ang laban, maanghang na ang mga binibitawan na salita, sa puno’t dulo nito ginagawa natin lahat ito para makatulong sa ating minamahal na kapwa Pilipino,” pahayag ni Pangulong Marcos.