Calendar
![Cortez](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Cortez.jpg)
Kelot nanghamon ng away, nanlaban sa pulis, arestado
NAARESTO ang isang 20-anyos na binata at nahaharap sa kasong sa paglabag sa Art 155 tungkol sa alarms at scandal, RA 10591 Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act, at BP 881 Omnibus Election Code, matapos magwala,maghamon ng away at nanlaban sa rumespondeng pulis sa Singalong St,. sa corner San Andres St,Malate Manila, Miyerkoles ng madaling araw.
Kinilala ni PLt.Col.Nelson Cortez, hepe ng MPD Ermita Police Station.5, ang binata na si alyas Anthony, miyembro ng “Bahala na Gang” at residente ng Tuazon St,.Brgy 739, Malate, Manila.
Ayon sa report ng pulisya bandang 12:30 ng madaling araw habang nagsasagawa ng patroling operation sina PCpl.Jose Mari Villar at Pat.Clint Rainier Perez ng PCP-Paco sa nasabing lugar, nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang lalaki na nagwawala at may dalang baril.
Tinungo ng mga awtoridad ang nasabing kaguluhan lulan ng kanilang mobile car, upang i-verify ang sumbong ng concerned citizen.Pagdating sa lugar, nakita nila ang suspek na sumisigaw, at sinisira ang anumang bagay na nakikita nito, at naghahamon ng away sa sinuman.
Sinubukang pakalmahin ng mga pulis ang suspek, ngunit sa halip na makinig ito,siya ay naging marahas at palaban sa mga operatiba,.
Dito na agad na dinakma ang lalaki na nagresulta sa pagkaka aresto at pagkumpiska ng isang improvised firearm na nakabalot ng itim na goma,at bala.na nakasukbit sa kanyang kanang baywang.
Kasunod nito dinala sa ospital ang naarestong suspek bago iturn over sa Paco PCP para sa kaukulang disposisyon. Pansamantala siyang inilagay sa loob ng custodial facility habang nakabinbin ang kanyang presentasyon sa tanggapan ng tagausig ng lungsod para sa mga paglilitis sa pagsisiyasat..