Kim inamin ang planong pag-aalsa-balutan sa Canada

Vinia Vivar Feb 12, 2025
15 Views

Aminado si Kim Chiu na naranasan na niya ang sumadsad ang career at kumbaga, ma-hit ang rock bottom.

Ito ay noong time na nagkaroon ng kontrobersiya sa kanya dahil sa “bawal lumabas” statement niya.

Matatandaan na matinding pangba-bash ang naranasan ng aktres dahil sa pagbitiw ng nakakalitong statement noong 2020 tungkol sa batas ng classroom.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakalimutan ni Kimmy at naalala niya itong muli sa “It’s Showtime” episode ngayong Wednesday.

Kim revealed na plinano na niyang umalis sa showbiz at magpunta na lang sa Canada ng pamilya niya.

“Uuwi na akong Canada talaga. As in nag-aalsa-balutan na kami,” aniya.

Biniro naman siya ni Vice Ganda na sinabi nga niyang bawal lumabas pero siya pala ang mag-aalsa-balutan. Tawa nang tawa ang aktres.

Pero sey niya ulit, “Totoo ‘yun. Kasi lahat ng tao, parang bobong-bobo na sa ‘kin. ‘Yung parang ‘ano ‘to, nakasagasa ba ako ng isang barangay?’”

Sabi naman ni Vhong Navarro, “Pero nakita mo naman, nagbenta ka pa ng merch, ‘bawal lumabas.’ Kita mo, pinagkakitaan pa talaga, ‘di ba?”

Um-agree naman si Vice at aniya, “You were able to turn it around with the help of wonderful people around you.”

Na-teary-eye naman si Kim, at aniya, “Totoo, give up na talaga, ayoko na mag-artista, uwi na ako, pero ‘eto pa rin ako.”

In fairness, madali namang nakabawi si Kim at ngayon nga ay patuloy pa ring namamayagpag ang career.