Calendar
![Khonghun](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Khonghun-1.jpg)
Di na dapat suportahan dating admin, ka-alyadong pro-China — Khonghun
HINDI na dapat suportahan ng mga Pilipino sa paparating na eleksyon ang mga personalidad mula sa nakaraang administrasyon upang maprotektahan ang bansa laban sa kontrol ng dayuhan, iligal na droga, POGO, criminal syndicates, katiwalian at pang aabuso sa kapangyarihan.
Nagbabala si Zambales Rep. Jay Khonghun na ang pagpayag na muling makontrol nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Vice President Sara Duterte ang politika ng bansa pagkatapos ng 2025 ay muling bubuhay sa mga kapalpakan ng nakaraang administrasyon tulad ng impluwensya ng China sa ating katubigan, state-sponsored killings, iligal na operasyon ng POGO at malawakang korapsyon sa pamahalaan.
“Pinakita ng dating administrasyon kung ano ang mangyayari kapag isang pamilya lang ang may hawak ng kapangyarihan. Pinabayaan nilang apak-apakan tayo ng China sa West Philippine Sea, hinayaan nilang mamayagpag ang mga sindikato ng ilegal na POGO, at iba pa. Gusto ba talaga nating bumalik sa panahong iyon?” tanong ni Khonghun.
Pahihinain pang aniya ng pagbabalik ng tatak Duterte ang soberanya ng Pilipinas at maglalantqd lang muli sa bansa sac kawalaan ng kaayusan at impunidad.
“We cannot forget how Duterte bowed to China and set aside our victory at The Hague. Under his watch, China built military bases in the West Philippine Sea, while Filipino fishermen were harassed and blocked from our own waters. Now, they want to return to power? The Filipino people should not allow it,” aniya.
Nagbabala rin siya laban sa paghahalal ng mga senador na maka-Duterte na magreresulta sa muling pananahimik sa ginagawa ng China, na isang pagkakanulo sa bansa.
Nanawagan din si Khonghun sa mga Pilipino na alalahanin ang mga ilegal na aktibidad at pang-aabuso na talamak sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.
“Noong nakaraang administrasyon, naghari ang ilegal na POGO, lumakas ang extrajudicial killings at ibat-ibang alegasyon ng katiwalian. Alam na natin ang epekto nito sa bansa. Bakit natin hahayaang bumalik ang ganitong sistema?” sabi pa ng solon.
Tinukoy din ni Khonghun ang ilan sa mga kapalpakan ng administrasyong Duterte.
“Under the previous administration, illegal Chinese-run POGOs flourished, bringing crime, money laundering and human trafficking. They were only shut down when President Marcos stepped in. Do we want these syndicates back in full force?” paglalahad ni Khonghun.
“We saw thousands of Filipinos – mostly the poor – gunned down in the streets without due process while drug lords and corrupt officials walked free,” dagdag niya.
“We have to investigate the allegations that the previous administration plundered billions meant for public health. Funds for face masks, PPEs and medical supplies were funneled into pockets of corrupt officials. Filipinos must remember this theft when they vote,” sabi pa niya.
Binuweltahan din ni Khonghun si VP Duterte, at sinabi na ang kinakaharap nitong impeachment case ay isang mahalagang pagsubok sa bansa kung papanagutin ang pamilya Duterte sa kanilang mga ginawang pang-aabuso.
Binigyang-diin din niya na ang paparating na halalan ang magdedetermina kung papayagan ng mga Pilipino ang pagbabalik ng isang gobyernong may bahid ng korapsyon, extrajudicial killings, at pananahimik sa ginagawang panghihimasok ng mga dayuhan.
“This election is about choosing whether we move forward as a strong and independent nation or fall back into the hands of those who sold us out to foreign interests. Ang boto ng taumbayan ang magpapasya kung mananatili tayong biktima ng pang-aabuso o maninindigan tayo para sa tamang pamamahala,” wika ni Khonghun.
Nanawagan din siya ng maigting na pagkilos ng mga Pilipino upang tanggihan ang mga kaalyado ni Duterte at sa halip ay iboto ang mga lider na magtatanggol sa soberanya ng bansa, magtataguyod ng hustisya at titiyak sa transparency sa gobyerno.
“The power is in the hands of the people. Reject the candidates who are Duterte’s pawns. Choose leaders who will fight for a stronger, sovereign, and corruption-free Philippines,” sabi niya.