Calendar
![FL Liza Marcos](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/FL-Liza-Marcos1.gif)
FL Liza Marcos nasaksihan paglagda ng kasunduan ng PH, UAE
PERSONAL na sinaksihan ni First Lady Liza Marcos ang paglagda sa ilang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates sa sidelines ng World Governments Summit sa Dubai.
Kabilang sa mga sinaksihan ni First Lady Marcos ang pirmahan sa pagitan nina Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla at Justice Minister His Excellency Abdullah Sultan bin Awad Al Nuaimi.
Ang mga kasunduan ay may kinalaman sa extradition, mutual legal assistance in criminal matters (MLAT), at transfer o paglilipat ng nasentensyahang indibidwal.
Ayon sa DOJ, ang mga kasunduang ito at nagpapakita ng pagtutulungan ng dalawang bansa na mapalakas ang legal cooperation at matiyak ang hustisya.
Samantala, napirmahan rin ang ๐๐ฆ๐ฎ๐ฐ๐ณ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ฎ ๐ฐ๐ง ๐๐ฏ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ด๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฏ ๐๐ฆ๐ฅ๐ถ๐ค๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ญ๐ข๐ด๐ต๐ช๐ค ๐๐ข๐ด๐ต๐ฆ ๐๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ฆ ๐ต๐ฐ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ค๐ฆ๐ข๐ฏ๐ด ๐ช๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด sa pamamagitan ni DENR Secetary Maria Antonia Yulo-Loyzaga at opisyal ng UAE.
Ayon sa DENR, bahagi ito nang pagpapalakas ng aksyon laban sa plastic pollution.
Ang unang ginang ang dumalo sa World Governments Summit na layong isulong ang international cooperation at bumuo ng mga solusyon sa mga hamon sa hinaharap.