Calendar
![Senate of the Philippines](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Senate-of-the-Philippines.gif)
Walang masisibak na empleyado sa gov’t optimization bill
TINIYAK ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa mga kawani ng Senado na hindi sila masisibak sa trabaho sa kabila ng ipinanukalang Government Optimization Bill.
Walang empleyado ng Senado ang mawawalan ng trabaho dahil sa optimization o rightsizing na hakbang, ayon sa senador.
Sa halip na bawasan ang mga tauhan, ipinaliwanag niyang magdaragdag pa ng mga bagong posisyon bilang paghahanda sa paglipat ng Senado sa mas malaking gusali sa Taguig.
“No one will be removed from their current position. We will establish new offices and will require additional competencies when we move to a larger building,” ani Escudero.
Binigyang-diin ng Senate President ang pangangailangang matuto ng mga bagong kasanayan ang mga empleyado upang makasabay sa mga pagbabago.
Ang Government Optimization Bill naglalayong bawasan ang mga redundant na tungkulin, alisin ang mga magkakapatong na responsibilidad at gawing mas simple ang mga regulasyon at proseso ng gobyerno.
Habang may ilang mambabatas na nagpahayag ng pangamba sa posibleng pagbabawas ng kawani, iginiit ni Escudero na ang panukala nakatuon sa pagpapabuti ng kahusayan ng gobyerno nang hindi isinasaalang-alang ang seguridad sa trabaho ng mga empleyado.
Habang nagpapatuloy ang mga talakayan sa panukalang batas, muling tiniyak ni Escudero ang kanyang paninindigan na mapanatiling protektado ang mga empleyado kasabay ng pagpapabuti ng operasyon ng gobyerno.