Campaign

Pacquiao, tututukan ang MSMEs kapag nakabalik sa Senado

Mar Rodriguez Feb 13, 2025
9 Views

Campaign1ILOILO CITY – BILANG lumaki sa kahirapan, nararamdaman ng tinaguriang “People’s Champ” na si Manny “Pacman” Pacquiao ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga mahihirap na Pilipino kaya kung papalarin ito na makabalik sa Senado ay susuportahan, palalakasin at tututukan nito ang micro, small, medium enterprises (MSMes).

Ito ang ipinahayag ni Pacquiao, isa sa labing-dalawang kandidato ng administrasyon para sa pagka-Senador sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas (APBP), na nakahanda siyang suportahan at bigyan ng lubos na atensiyon ang MSMEs sakaling siya ay papalarin na muling makabalik sa Senado pagkatapos ng halalan.

Sa ginanap na press conference sa Hotel Del Rio sa naturang lalawigan, sinabi ni Pacquiao na napakalaki ang ambag ng mga MSMEs sa ekonomiya ng bansa kaya nararapat lamang mas lalo pa itong matutukan at mapagtuunan ng pansin.

Binigyang diin ng dating Senador na kung muli siyang mabibigyan ng pagkakataon na manilbihan bilang mambabatas. Isususlong nito ang pagsasa-yos ng pondo o ang pag-secure ng funding para sa MSMEs dahil nakikita nito ang malaking kahalagahan nito.

“Ang aking isusulong ay yung pagse-secure ng funding para sa ating mga small, medium enterprises kasi nakikita ko ang kanilang kahalagahan. Napaka-importante nito at crucial talaga Iyan sa problema ng ating bansa. Kaya ito ay aking tututukan,” wika ni Pacquiao.

Ipinaliwanag pa ng binansagang “Pambansang Kamao” na napaka-importanteng mayroon aniyang “feasible livelihood” o hanap-buhay ang mga mahihirap na mamamayan na pagkukuhanan ng kanilang pang-araw araw na gastusin.

“Napaka-importante yung security nila na mayroon silang feasible livelihood o hanap-buhay na mapagkukuhanan nila ng kanilang gastusin sa kanilang pang-araw araw. Malaki ang maitutulong nito sa ating ekonomiya at makakapagbigay ng trabaho,” sabi pa nito.

Bukod kay Pacquiao, kabilang sa labing-dalawang Senatorial bet ng administrasyon na nagtungo sa campaign rally ng APBP sa Iloilo City ay sina dating DILG Sec. Benhur Abalos, Makaty City Mayor Abigail “Abby” Binay, dating Senador Panfilo “Ping” Lacson, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis “Tol” Tolentino, at ACT-CIS Party List Rep. Erwin T. Tulfo.