Luis

Mikee at Alex araw-araw honeymoon

Jun Nardo Feb 14, 2025
21 Views

NAGKANDABUHUL-BUHOL ang traffic sa bagong gawang bypass road sa Lipa City, Batangas last Thursday dahil dalawang malaking events ang naganap mula umaga hanggang gabi.

Una, nagkaroon ng blessing ang bypass road na pinangunahan ni gubernatorial candidate Vilma Santos-Recto kasama ang mga anak niyang sina Luis Manzano, who’s running for vice governor, at Ryan Christian, running for congressman sa isang district sa Batangas.

Present din ang mga incumbent officials ng bayan at munisipalidad ng Batangas pati na ang mga tumatakbong kandidato sa iba’t ibang posisyon.

Matapos ang blessing, sumunod naman ang kick-off ceremony ng Barako Fest 2025 na nagsimula kahapon at ngayong February 15 magtatapos sa isang malaking concert.

Maraming activities ang naka-line-up sa tatlong araw ng festival at sa mga magre-register, may chance na manalo ng brand new motorcycle.

Sa pagbabalik ni Ate Vi sa pulitika, tuwang-tuwa ang mga Batanggenyo dahil heto muli ang isang nanay na aagapay at tutulong sa kanilang pangangailangan.

Eh, with the help of her two sons, Luis and Ryan, lalong magniningning ang Batangas at muling madarama ng Batanggenyo ang H.E.A.R.T. S. advocacy ni Ate Vi, huh!

Sa event, naging accommodating din sa media si Mikee Morada, na tumatakbong vice mayor ng Lipa City. Si Mikee ang asawa ni Alex Gonzaga na nagsabing very supportive ang asawa sa festival at bukas, eh, dadalo siya.

“She’s okay now. Everyday is a honeymoon sa aming dalawa. Strong ang faith namin,” saad ni Konsehal Mikee.

So, pasyal kayo sa Lipa City sa Batangas upang maranasan ang handog ng Batanggenyo sa Barako Fest 2025, huh!

Special thanks sa Mentorque Productions sa maaayos na pag-istima nila sa entertainment media.