Pacquiao

Paggamit ng nuke energy, fiber optic itutulak ni Pacquiao

Mar Rodriguez Feb 16, 2025
37 Views

Carmen, Davao Del Norte – BUNSOD ng matagal ng problema ng bansa tungkol sa usapin ng “power shortage”, itutulak ng binansagang Pambansang Kamao na si Senatorial Candidate Manny “Pacman” Pacquiao ang paggamit ng nuclear energy at fiber optic technology bilang long-term solution sa power crisis.

Sa kaniyang mensahe sa harap ng libo-libong mamayan ng lalawigan na dumalo sa campaign rally ng Alayansa Para sa Bagong Pilipinas (APBP) na ginanap sa Carmen Municipal Park and Plaza, sinabi ni Pacquiao na sakaling siya’y papalaring makabalik sa Senado, isusulong nito ang isang long term solution sa power crisis.

Binigyang diin ng dating eight-division world boxing champion na ang “unreliable power” o hindi consistent na power supply ang pangunahing problema ng Pilipinas at nagsisilbing hadlang sa pag-unlad ng ating ekonomiya kung kaya’t maraming foreign investors aniya ang nawawalan ng ganang mamuhunan sa bansa.

Idinagdag pa ni Pacquiao na ang power crisis ang nagsisilbing balakid sa economic growth ng Pilipinas. Kaya napakaraming international company, multi-national corporation at big-time foreign investors ang nag-aalinlangan na magtayo ng negosyo sa bansa.

Dahil dito, sinabi ng dating senador na sisikapin nitong maglatag ng isang long-term solution sa Senado upang tuluyan mawakasan ang matagal ng problema ng bansa sa power crisis. Isa dito ang paggamit o pagkakaroon ng nuclear energy at fiber optic.

“That’s our number one problem it’s power supply. Investors hesitate to come in because of it, frequent brownouts are a big disadvantage to businesses. Kaya maraming mga dayuhan ang natatakot mag-negosyo sa ating bansa dahil sa problemang ito,” wika ni Pacquiao.

Ang isa sa mga solusyon at adbokasiyang nais ilatag ni Pacquiao ay ang muling pagbuhay kasabay ng pagtatatag ng mga nuclear power plants kahalintulad ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na nakikita niyang peketibong solusyon sa serye ng mga brownouts sa bansa.

Binigyang diin pa ng tinaguriang “the prople’s champ” na kung magpapatuloy ang problema ng Pilipinas sa energy crisis ay magiging mabagal din o mistulang “usad pagong” ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at maging kabuhayan ng mga Pilipino.

“If we continue at this slow pace. Our country’s development will be even slower than a turtles,” sabi pa ni Pacquiao.