Calendar

Carmona may Sorteo fest
CARMONA CITY, Cavite–Nakatakdang i-reball sa pamamagitan ng Sorteo Festival mula Pebrero 14 hanggang 23 ang pinakabagong lungsod sa Cavite.
Magbubukas ang festival sa pamamagitan ng 27th Loyola Cup Golf Tournament na gaganapin sa Southwoods Golf Course.
Sa Pebrero 17, magbubukas ang Sorteo Festival 2025 na may parada ng mga nakikipagkumpitensyang festival float sa city proper, Binibining Sorteo Talent and Swimsuit night at Bingo night kasama ang Parent and Teachers Association of Carmona.
Pormal na inagurasyon ng mga bagong proyekto sa imprastraktura ng Carmona at Music Development Drum at Lyre tilt sa Pebrero 18.
May jobs fair ng Public Employment Service Office (PESO), Binibining Sorteo 2025 coronation night, Fireworks display at pormal na pagsisimula ng Sorteo draw sa Pebrero 19.
Ang pagdiriwang ng Sorteo sinimulan noong 1861 o apat na taon pagkatapos mabuo ang Carmona na naunang tinatawag na Barrio Latag.