Calendar

6 na dayuhan na sangkot sa online gambling tiklo
INARESTO ng mga agents ng Bureau of Immigration (BI) ang 6 na Korean nationals sa isang raid sa hinihinalang illegal online gambling hub noong Lunes sa isang hotel sa Pasay City.
Iniulat ni BI Fugitive Search Unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy na inaresto ang 6 na Koreano sa koordinasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at ng Criminal Investigation and Detection Group-Southern Police District Field Unit (CIDG-SPIDFU).
Ang mga naarestong foreign nationals, karamihan may hawak na permanent resident visas, nahuli sa aktong pagpapatakbo ng hinihinalang gambling hub.
Kabilang sa mga inaresto si Ha Jungjo, na may derogatory record sa BI dahil sa overstaying o hindi maipaliwanag na matagal na pananatili sa bansa.
Isinagawa ang raid kasunod ng opisyal na komunikasyon mula sa PAOCC tungkol sa hinihinalang ilegal na aktibidad ng mga nabanggit na dayuhan.
Natagpuan ng mga operatiba ang maraming computer stations na hinihinalang ginagamit sa illegal offshore gaming operations.
Kinumpirma ng mga awtoridad ng Korea na ang mga transaksyong pinansyal gamit ang Korean currency at mga konektadong bank account nagpapahiwatig ng aktibong pakikilahok sa mga ilegal na aktibidad ng pagsusugal.
Habang ang pisikal na kustodiya ng mga inaresto inilipat na sa PAOCC, nananatili ang legal na kustodiya sa BI habang isinasagawa ang deportation proceedings.