Vic Reyes

Hindi biro ang sakit na dengue

Vic Reyes Feb 19, 2025
42 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa bansang Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng daigdig.

Binabati natin sina: Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, , Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre ang nagmamalasakit sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama ng Oman; Dolores Montero ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan,

God Bless sa inyong lahat!

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)

***

Kagaya ng inaasahan, patuloy ang ginagawang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa ismagling.

Ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na lalong paigtingin ang nasabing nationwide campaign.

Dahil sa ismagling, malaking buwis, taripa at iba pang bayarin ang nawawala sa kaban ng bayan.

Ito ay maliwanag na pagsabotahe sa ekonomiya ng bansa na umaasa lamang sa papasok na buwis para maisulong ang socio-economic development ng Pilipinas.

Kaya naman maraming pumalakpak nang magsagawa ang BOC at Philippine Coast Guard (PCG) ng inspeksyon sa isang motor vehicle service center sa Makati City.

Sa nasabing inspeksyon, na isinagawa noong Pebrero 14, ay naka-diskubre ang mga otoridad ng 16 luxury vehicles at isang high-end na motorsiklo.

Mga pinagsususpetsahangr smuggled, ang mga behikulo ay nagkakahalaga ng P366 milyon, ayon sa BOC.

Binigyan ng BOC ng labin-limang araw ang mga may-ari ng mga behikulo para i-submit ang mga import documents.

Dapat ipinagbayad ng buwis ang mga sasakyan at naka-rehistro sa Land Transportation Office (LTO) ang mga ito

Pansamantalang sinaraduhan ng BOC ang nasabing service center.

Ang mga nagsagawa ng inspeksyon ay mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement Security Service (ESS) at PCG-Task Force Aduana (PCG-TFA).

Nagkaroon din ng close coordination sa local police at barangay officials “to ensure the conduct of smooth operations.”

Ang mga luxury vehicles ay kinabibilangan ng Ferrari, Porsche, Mercedes-Benz at McLaren.

Bilang suporta sa programa ni Pangulong Marcos ay nananatiling active ang BOC “in countering smuggling.”

Hindi lang ‘yan. “The BOC continues to strengthen border control measures to ensure the collection of duties due the government.”

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, pinoprotektahan din ng ahensya ang “legitimate businesses from unfair competiton.”

Alam ni Commissioner Rubio na kailangang mawala sa eksena ang mga taong walang ginawa kundi gumawa ng unlawful trade practices.

Kung hindi ay baka hindi mahihirapang ma-meet ng BOC ang kanyang revenue collection target sa taong ito. Hindi ba, Finance Secretary Ralph Recto ng Batangas?

***

Huwag natin balewalain ang paglobo ng mga kaso ng dengue fever sa bansa.

Hindi biro ang sakit na ito na sobrang napaka-deadly, lalo na sa mga bata.

Ang kailangan ay “whole of nation approach” dahil hindi puede ‘yong kanya-kanyang diskarte.

Mabilis itong kumalat dahil mga lamok ang may dala ng sakit na ito.

Alam natin na madaming pamugaran ng lamok sa ating mga pali-paligid.

Lalo na sa kanayunan at depressed areas sa buong bansa.

Ang problema pa, ang mahal ng mga gamot at medical services.

Tama ba kami, Health Secretary Teddy Herbosa?