Calendar

Speaker Romualdez itutulak pag-unlad ng Aurora, lahat ng probinsya
NANGAKO si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na isusulong ang patuloy na pag-unlad ng Aurora kasabay ng kanyang pagtiyak na walang maiiwang lalawigan sa kaunlaran.
Ginawa ng lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pahayag sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-46 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Lalawigan ng Aurora at ika-137 kaarawan ni Doña Aurora Aragon-Quezon, na ginanap sa kapitolyo ng lalawigan sa bayan ng Baler noong Miyerkules.
Dumalo sa pagdiriwang sina Rep. Rommel Rico Angara, Gobernador Reynante Tolentino, Pangalawang Gobernador Jennifer Araña, apo ni Pangulong Manuel Luis Quezon na si Gabriel Quezon Avanceña, gayundin ang iba pang opisyal ng lalawigan, mga lingkod-bayan, negosyante, magsasaka, mangingisda, mag-aaral at iba pang residente ng Aurora.
Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker Camille Villar at Representatives Lani Mercado Revilla (kinatawan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.), Emerson Pascual (Nueva Ecija), Carmelo Lazatin (Pampanga), Joseph Tan (Isabela), Loreto Amante (Laguna) at Faustino Michael Carlos Dy (Isabela).
“As Speaker of the House, I stand before you not to make promises, but to make a commitment. Walang maiiwan. Aurora will not be left behind,” ani Speaker Romualdez.
Dagdag pa niya, “We will work to ensure better roads and bridges so farmers can bring their harvest to markets faster; more schools and scholarships so the youth of Aurora can reach their full potential; stronger healthcare services so no family has to choose between medicine and food; and support for agriculture and fisheries so that the lifeblood of Aurora remains strong.”
Iginiit ni Romualdez na ang pag-unlad ay hindi dapat nakalaan lamang sa mga lungsod at iba pang urban na lugar.
“It must reach every town, every barangay, every home. Walang probinsyang mahuhuli sa pag-unlad,” aniya.
Idinagdag niya na ang lalawigan ng Aurora ay patunay na “kapag tayo ay nagtutulungan, inuuna ang paglilingkod kaysa pansariling interes, at nagtitiwala sa isa’t isa—walang imposible.”
Hinimok din ng pinuno ng Mababang Kapulungan ang kanyang kapwa lingkod-bayan na “muling tuparin ang pangakong iyon.”
“Let us work together. Let us dream bigger. Let us make sure that Aurora continues to rise—mas matatag, mas maunlad, mas handa sa kinabukasan,” wika niya.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang mahahalagang kontribusyon ng Aurora sa bansa at ang pamana ni Doña Aurora Aragon-Quezon.
“Aurora is a province of great beauty, but even greater history. It is a land of waves and mountains, of resilience and quiet strength. But above all, Aurora is a land of service—true, selfless, and unwavering,” aniya.
“Aurora has given so much to this country—its resources, its culture, its heroes. And today, I say to you: Aurora deserves more,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin niya na ang pagiging taga-Aurora ay hindi lang tungkol sa pagiging ipinanganak sa lalawigan, kundi tungkol din sa pagpapahalaga sa mga katangian nito—sipag, tiyaga, malasakit at bayanihan.
Bilang pagkilala kay Doña Aurora Aragon-Quezon, inilarawan siya ni Speaker Romualdez bilang “isang babaeng hindi naghangad ng katanyagan, ngunit ang kanyang liwanag ay nananatiling buhay sa puso ng kanyang mga kababayan.”
“She led with compassion, served with dignity, and gave her life for others. That is the spirit of Aurora. That is the spirit we celebrate today,” pagtatapos ni Speaker Romualdez.