TUA

SPLL makapagbibigay ng dagdag kaalaman sa TUA students

Cory Martinez Feb 20, 2025
23 Views

MAY pagkakataon ang mga estudyante ng Trinity University of Asia (TUA) matuto ng ibang kaalamang teknikal at teknolohikal bukod pa sa piniling kurso upang makaagapay sa industry demand sa inilunsad na Sustainable Partnerships and Lifelong Learning (SPLL) program.

Maaaring matutunan ang SPLL sa tatlong academic units ng paaralan na Trinity Innovation Hub (TRINNOH), Trinity International Lifelong Learning Academy (TILLA) at Trinity Open University of Asia (TOUA).

Ayon Dr. Howell Ho, vice president for SPLL, ang SPLL ang kumakatawan sa pag-shift patungo sa hinaharap ng edukasyon.

“Education must connect to the real-world challenges, and these encounters demand sustainable solutions. We in TUA are committed to nurturing individuals to succeed in their fields and contribute to building a more sustainable future,” sabi ni Dr. Ho.

Ang naturang programa magbibigay-daan sa mga mag-aaral o kahit na yung mga gradweyt na na matuto pa ng ibang kaalaman bukod sa pinili nilang kurso.

Magkakaroon ng oportunidad ang mga mag-aaral na mag-enrol sa traditional program na dati nang ino-offer ng unibersidad o mag-enrol sa open university na kung saan hindi kailangang nasa iskwelahan ang mga mag-aaral.

“The difference will be that the flexibility in the OU program is not geographically bound and also provides for possibilities that if you are working, it becomes more flexible,” ani Ho.

Ang TRINNOH, TILLA at TOUA hindi mag-ooffer ng panibagong degree kundi isasama lamang sa mga asignatura sa iba’t-ibang kurso ng unibersidad.

Maaari rin naman kumuha ng mga asignatura sa TRINNOH, TILLA at TOUA ang mga estudyante kung nanaisin nilang madagdagan pa ang kanilang kaalaman.

Ayon kay TRINNOH Manager Dr. Mark Daevid Adem, ang TRINNOH ang siyang magsisilbing tulay sa pagitan ng akademya at industriya na naghihikayat ng mga creative solution at real-world problem solving.

Ang TILLA naman ayon sa head nito na si Adrian Amistad tutugon sa mga micro credential program na siyang magpapalakas sa mga mag-aaral na mananatiling competitive sa mabilis na pagbabago ng mundo.

Ang TOUA ang magiging daan para sa accessible education na dinisenyo upang mabali ang mga hadlang at madiskubre ang potensyal ng bawat mag-aaral, ani TOUA Dean Dr. Julius Somera.

Sinabi ni TUA President Dr. Gisela Luna na binuo ang SPLL upang masolusyunan ang mga kinakaharap na challenges sa larangan ng edukasyon.

Upang maipatupad ang naturang programa, nakipag-kolaborasyon ang TUA sa mga iba’t-ibang organisasyon at kumpanya na siyang tutulong sa unibersidad na magbigay ng mga rekomendasyon kung ano ang mga competencies na kinakailangan nila sa mga magtatapos na mag-aaral.

Maaari din makatulong ang mga partner industry sa pagtanggap sa mga magtatapos na nakinabang sa naturang programa.

Inaasahang ipatutupad ang naturang programa sa academic year 2025-2026.