Calendar
Pagpapaigting ng public awareness tungkol sa problema ng teenage pregnancy naiisip na solusyon ni Camille Villar
BACOLOD CITY – NAGPAHAYAG ng labis na pagkabahala si House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar patungkol sa lumalalang problema ng “teenage pregnancy” sa ating bansa.
Ang isa sa mga solusyong nakikita ni Villar ay ang pagpapa-igting ng “public awareness” sa hanay ng mga millennial o mga kasalukuyang kabataan para unti-unting resolbahin ang lumolobong problema ng teenage pregnancy kung saan mayorya ng mga nasasangkot dito ay nagmumula sa mga mahihirap na pamilya.
“So I think one of the ways which we can prevent that at first is awareness. To know that this is a prevalent issue and to be able to let our teenagers learn about the effects of early pregnancies and the consequences that it has on the rest of your life,” sabi ni Villar.
Binigyang diin ng Kinatawan ng Lone District ng La Pinas na napakaimportanteng maipa-unawang mabuti sa mga kabataang babae ang mga epekto ng maagang pagbubuntis partikular na ang magiging masamang implikasyon nito sa kanilang kinabukasan.
Bukod dito, iminumungkahi din ni Villar ang pagkakaroon o pagsasagawa ng counselling at special training para sa mga batang ina upang maihanda ang kanilang mga sarili sa panibagong buhay na kanilang tatahakin matapos ang kanilang maagang pagbubuntis.
“Actually, that is one of the growing concerns because year-on-year parang I think there was a 30-percent increase in teenage pregnancies. Starting i believe from 14 to 16 years old,” wika pa ni Villar.
Sinabi pa nito na kinakailangan din na mabigyan ng tamang edukasyon mga ang teenage mothers kung papaano nila haharapin ang kanilang kasalukuyang sitwasyon bilang mga batang ina. Kabilang na ang pagpapalaki sa kanilang anak at pagtataguyod ng kanilang pamilya.