Calendar

BOC lalong paiigtingin kampanya vs graft, corruption
ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman at Saudi Arabia.
Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi Tata Yap Yamazaki, Josie Gelo , Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kaibigan ng mga Filipino sa Japan, si Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joann de Guzman at mga kababayan natin sa Oman, Marie Saulon ng Saudi Arabia.
Mabuhay kayong lahat!
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
***
Umabot ng P79.3 billion ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang buwan.
Sa taong ito ay P1.06 trilyon ang assigned tax take ng BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Noong nakaraang taon ay nakakolekta ng mahigit na P931 bilyon ang tax collection ng ahensya, na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).
Ito ang pinakamataas na koleksyon ng BOC sa isang taon sa kasaysayan nito, ayon mismo kay Pangulong Bongbong Marcos.
Naitala ng ahensya ang record collection nito sa kabila ng maraming challenges na kinaharap ng bansa.
Inanunsyo ito ni Finance Secretary Ralph Recto ang balitang ito sa isang command conference noong Pebrero 19,
Ang command conference ay dinaluhan ng mga opisyal ng DOF, BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ang BIR at BOC ang dalawang pinaka-malaking tax collection agencies ng ating gobyerno.
Kaugnay nito ay mananatiling prayoridad ng BOC sa taong ito ang digitalization ng customs processes.
Ang digitalization ay naglalayong mapaganda at mapabilis ang transaksyon sa aduana.
“The digitalization process includes the integration of the different payment channels to the e-Pay Portal System,” ayon sa report.
Sa taong ito inaasahan din na lalong paiigtingin ng BOC ang kampanya laban sa graft and corruption.
Kailangang mawala sa ahensya ang mga natitirang tiwaling opisyal at kawani ng ahenaiya para ‘di na sila pamarisan ng iba.
Tama ba kami, Secretary Recto at Commissioner Rubio?
***
Sa tingin natin ay hindi na mawawala sa Pilipinas ang pamimili ng boto tuwing may eleksyon.
Kung anu-anong gimik na ang naiisip ng mga maperang kandidato, lalo na sa mga liblib na pook.
Ang problema kasi ay mahirap patunayan ang pamimili ng boto dahil walang aamin na nagbenta ng boto.
Isa pa, mukhang tanggap na ng mga botante, lalo na ng mga mahihirap, na malaking tulong ang vote-selling.
Isa pa, hindi naman mismong kandidato ang namimili ng boto.
Sa loob na ng bahay ibinibigay ng mga lider ng mga politiko ang pera.
***
Tama ang mga eksperto na huwag balewalain ang mga simpleng ubo at sipon.
Marami na ang namatay, lalo na mga bata at matatanda, dahil hindi kaagad nakapagpatingin sa doktor ang mga maysakit.
Akala nila ay basta puwede na lang uminom ng gamot ang maysakit at gagaling na ang pasyente.
Dahil may health center naman sa mga bayan ay mas mabuting patingnan sa government doctor ang pasyente.
Sa mga health center ay puwede pang makahingi ng libreng gamot.
Hindi ba, Health Secretary Teddy Herbosa?