Defensor

Defensor binira pagsasara ng kalsada sa Distrito Dos

Mar Rodriguez May 6, 2022
258 Views

UMANI ng batikos si Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte matapos niyang ipasara ng buong araw ang mga kalsada sa Second District para sa kanilang campaign rally kung saan maraming motorista ang labis na naabala at naipit sa napakatinding trapik.

Ito ang nabatid kay mayoral candidate at AnaKalusugan Party List Rep. Michael “Mike” T. Defensor na maraming residente ngayon ng Ikalawang Distrito ang nagrereklamo at nanggagalaiti sa galit. Dahil sa ginawang pagsasara ng kampo ni Belmonte sa mga kalsada sa nasabing lugar.

Dahil dito, kinondina ni Defensor ang perwisyong idinulot ng campaign rally ni Belmonte sa pangunguna ng partido nitong Serbisyo sa Bayan (SB).

Ang ilan sa mga naapektuhang lugar at kalsada makaraang ipag-utos ni Mayor Belmonte ang pagsasara dito ay ng IBP Road, Palma Street, Pook Pag-asa at Filinvest gate. Kung saan, nasukol o naipit sa trapik ng tinatayang dalawamput-isang (21 hours) ang ilang motorista at residente ng lugar.

Habang ang ilan sa mga residente ng lugar ay napag-alamang hindi na naka-uwi sa kani-kanilang mga bahay. Dahil sa napakatinding trapik na idinulot ng campaign rally ni Belmonte. Dahil ang ilan sa mga ito’y sa sasakyan na lamang natulog at nagpalipas ng gabi.

Isinara umano ang mga nasabing kalsada mula alas sais ng gabi (6:00 pm) ng Martes (Mayo 03) hanggang alas onse medya (11:30) kinabukasan (Wednesday – Mayo 4).
“That’s a total of more than 21 hours or almost one day. The period the Mayor is asking the motorists and commuters to bear some inconvenience and sacrifice for their rally in District 2,” sabi Defensor.

Ipinaliwanag pa ni Defensor na nagsagawa din sila ng kahalintulad na rally noong nakaraang buwan sa parehong lugar. Sa pangunguna ng UniTeam, kasama sina Presidential aspirant Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr. at Vice-Presidential Candidate at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Ngunit binigyang diin ng kongresista na ang kanilang rally ay hindi naman inabot ng maghapon at naka-apekto sa mga motorista, commuters at mga residente ng lugar. Sapagkat tumagal lamang ito aniya ng limang oras.

“Nag-rally kami duon, pero hindi naman tumagal ng buong maghapon. Katulad ng ginawa nila, limang oras lamang ang aming campaign rally. Sa kanila eh hindi ka na matututwa dahil masyado silang naka-perwisyo,” dagdag pa ni Defensor.