Grace

‘Mary Grace Piattos’ nananatiling misteryo dahil hindi maipaliwanag ni VP Duterte

18 Views

HINDI pamumulitka ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kundi isang tugon sa kabiguan nito na ipaliwanag ang kanyang ginawang paggastos ng confidential fund at pagbibigay nito kay Mary Grace Piattos, na walang rekord sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ang tugon ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union laban sa mga pahayag na sinasabing may halong interes sa politika ang impeachment kasabay ng pagbibigay diin na ang mga proseso ay nag-ugat sa mga hindi nasagot na tanong sa imbestigasyon ng Kamara.

“Yun naman po sa impeachment, nakita naman natin during the Quad Comm, during the budget hearing sa local government. Di pa nga nasasagot si Mary Grace Piattos, sagutin muna nila ‘yun. O, ayan may impeachment na kaya nga umabot sa punto na ganyan kasi ‘di nga masagot ‘yung napakasimpleng tanong. Sino ba si Mary Grace Piattos? Saan napunta ‘yung mga pera na ‘yan? Kaya wag muna kayo mag-fake news,” sabi ni Ortega.

Punto ni Ortega na imbes na sagutin ang mga isyu, pinili ng pangalawang pangulo at ng kaniyang mga kaalyado na ipabasura ang impeachment complaint na isang political stunt, sa kanila ng bigat ng mga akusasyon.

Siniguro naman ng mga mambabatas na naghahanda ang Kamara de Representantes, partikular ng prosekusuyon para sa paglilitis sa Senado.

Ayon kay House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio ng Maynila, kahit hindi sila kasama ni Ortega sa prosekusyon at kumpiyansa sila sa kahandaan ng grupo.

“Actually, we’re not part of the prosecution panel but as far as we know they’re doing their best in preparation for the upcoming trial sa Senate. At the end of the day I’m sure both parties are preparing. So ‘yung impeachment trial kasi sa Senate it’s a good opportunity na marinig ‘yung dalawang panig. So I think it’s the most democratic process we can go for. That’s why both parties should really be prepared and I think they’re doing that,” ani Dionisio.

Sabi pa ni Ortega na aktibo ang House prosecution team sa pakikipag-ugnayan sa publiko kaugnay sa kaso.

“At saka the prosecutors have been granting interviews naman with the different radio stations, sa social media, sa mga forums. So I guess on our part, ‘yung mga Young Guns na nandito sa harap ngayon. So ‘yung trabaho po natin to keep the public informed at saka yung mga different programs din namin aside from the political situations, meron din kaming updates, meron din kaming mga local na programs. Ganun pa rin naman po ‘yung, on our side, on our end,” sabi ni Ortega.

Nagbahagi naman ng ilang legal na estratehiya ng prosekusyon si House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur.

“I think ‘yung sa prosecution team by the time that the House elected them as member of the prosecution team they already had initial meetings with ‘yung possible and potential legal assistance na makukuha from other law firms. I think that’s one of the things they also are trying to navigate on how they can improve, how well they would present their evidences. Once the impeachment court convenes,” paglalahad ni Adiong.

Hinihintay na lamang aniya ng prosecution team ang desisyon ng Senado kung kailan magco-convene bilang imepeachment court.

“So sa ngayon, they’re still waiting for the actual timeline when the Senate will actually convert itself into an impeachment court. But itong mga cases, articles of impeachment, I think sa ngayon they have already assigned, but I guess the proper is to ask the members of the prosecution team,” ani Adiong.

“Pero ang alam ko they have already somehow assigned individual prosecutor to the seven impeachment articles para ‘yun ‘yung mga division of labor nila kung paano nila i-approach ang pag pepresenta ng ebidensya sa impeachment court,” paliwanag niya.