Binoe napipisil para sa remake ng ’80s movie

Vinia Vivar Feb 24, 2025
14 Views

Nais palang i-remake ng chairman ng Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) na si Atty. Raul Lambino ang ‘80s movie about Sulu Sultan and China Emperor na “Hari sa Hari, Lahi sa Lahi.”

Tumatalakay kasi ito sa magandang relasyon ng Pilipinas at China noong araw kaya nais sana niya itong ipaalala sa mga tao ngayon sa gitna ng territorial dispute na namamagitan sa dalawang bansa.

“May plano talaga to revive the movie,” pahayag ni Atty. Lambino nang makausap namin sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery na pag-aari ni Wilson Lee Flores.

“I’m being asked by the Chinese producers and talagang gusto nilang i-revive iyong pelikula. Tinanong nila ako kung sinong pwedeng the best na magbida sa pelikula. At sinabi ko na si Sen. Robin Padilla,” patuloy niya.

Paliwanag pa niya, “He will be the best to do this because, well, aside from being a good politician, he’s a multi-talented and awarded actor. And he is a Muslim.

“If there is one Filipino actor who understands ‘yung mga nangyari about Muslim and Sen. Robin is also a very avid historical researcher. Nag-aaral talaga.”

Pinuri pa ni Atty. Lambino si Robin sa pagiging matalino ng aktor.

“I’m very, very impressed of Sen. Robin’s intellectual capacity. Minamaliit lang kung minsan ang mga artista.”

Ang “Hari sa Hari, Lahi sa Lahi” ay tungkol din sa magandang pagkakaibigan nina Sulu Sultan Paduka Pahala at China Emperor Zhu Di.

Ito ay ipinrodyus ng dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos sa pamamagitan ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Isinulat at idinirehe ito ni Eddie Romero.

Tatlo ang asawa ng Sultan kaya naman bahala na raw si Robin na pumili kung sino ang gaganap na mga asawa niya.