Santiago Iniharap ni NBI Director Jaime Santiago ang mga narekober na kagamitan at mga sasakyan at mga suspek matapos maaresto sa Malate, Manila.

NBI bumira, 5 suspek sa paniniktik tiklo

Jon-jon Reyes Feb 25, 2025
17 Views

Santiago1INARESTO ng mga agents ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang suspek na paniniktik o espionage dahil sa paglabag sa Espionage Act noong Huwebes.

Sangkot umano ang mga naaresto sa hindi awtorisadong International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher na nagsasagawa ng signal intelligence.

Ayon kay NBI director Jaime Santiago, dumadalaw sa mga kampo ng militar at pulisya at iba pang mahahalagang sistema, pasilidad at mga asset ng pambansang pamahalaan sa loob ng Metro Manila ang mga naturang sasakyan, ayon sa intel report.

Ginamit ang mga system upang hanapin at pag-aralan ang rogue o walang lisensyang BTS at hindi awtorisadong mga transmission at interference source na nagbunga ng mga positibong resulta.

Ang Rogue BTS isang hindi awtorisado o nakakapahamak na base station na nagpapanggap bilang isang lehitimong cellular tower upang maharang, manipulahin o guluhin ang mga komunikasyon sa mobile network.

Madalas itong ginagamit para sa hindi awtorisadong pagsubaybay, pag-eavesdrop, pagnanakaw ng data at pagkagambala sa network.

Naaresto sina Omar Khan Kashim, Joveres Leo Laraya Panti at Mark Angelo Boholst Binza na kinomisyon ng isang Ni Qinhui na naninirahan sa isang condominium sa Malate, Manila.

Sinabi ng mga naaresto na inutusan silang magmaneho sa Villamor Air Base, Camp Aguinaldo, Malacañang, Camp Crame, at US Embassy na may bayad na P2,500 hanggang P3,000 bawat buwan.

Tinungo ng mga NBI agents ang tirahan ni Qinhui at naaresto ng ang suspek kasama ng kanyang grupo na si Zheng Wei.

Inamin ng asawa ni Qinhui na may ilang kagamitan silang IMSI catchers sa kanilang condominium at ginamit niya sina Omar, Leo at Mark upang patakbuhin ang mga kagamitan sa ICT sa loob ng Metro Manila.