Calendar

‘Ibalik ang Isko-style health service’
LUMALAKAS ang panawagan kay dating mayor Franscisco “Isko Moreno” Domagoso na buhayin muli ang pangangalaga sa kalusugan ng mga Manileño.
Ang mabilis at mabisang pagtugon ni Domagoso sa panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19 ang batayan ng mga tagasuporta ng dating alkalde pang hilingin ang panawagan.
Ayon kay 3rd district Councilor Tol Zarcal, natapos ng 52-araw ang COVID-19 field hospital nang aprubahan ng Konseho ang pagtatayo nito.
“Noong pinapasa namin ang COVID Field Hospital sa konseho, ang pangako ni Yorme in 60 days meron na tayong COVID Field Hospital, pero natapos ito in 52 days” sabi ni Zarcal.
Maging si Mocha Uson, kandidato sa pagka-konsehal, binigyang diin ang pagtugon ng Manila sa pandemya na naitala pa sa rekord ng Department of Health (DOH.)
“Doon pa lang sa krisis ng COVID-19, sa lahat ng LGU sa buong bansa, may record naman ang DOH, number 1 ang Maynila sa overall performance sa COVID-19 response,” pahayag ni Uson.
Lumaganap ang suporta kay Domagoso dahil sa pamamahala at pagtupad sa pangakong pagkakaloob ng tamang serbisyo noong siya pa ang alkalde ng Maynila.