Calendar
DepEd pinalagan alegasyon ni Pacquiao
PUMALAG ang Department of Education (DepEd) sa pahayag ni Sen. Manny Pacquiao sa KBP-COMELEC PiliPinas Forum 2022 na umere noong Mayo 6 kung saan sinabi nito na mayroong opisyal ng ahensya na humihingi ng 40% kickback sa mga proyekto.
Nang tanungin kung sino ang tinutukoy ni Pacquiao ay tumanggi ito na pangalanan ang tinutukoy nitong opisyal.
Ayon sa DepEd tama na linisin ang gobyerno at kasuhan ang mga dapat na kasuhan dahil sa katiwalian.
Pero ang dapat umanong ginawa ni Pacquiao ay pangalanan ang tinutukoy nitong opisyal upang hindi mabahiran ang imahe ng buong ahensya.
“We have 948,270 teachers as well as over 27 million learners. Surely, casting aspersions on the entire institution is very dangerous and might affect public impressions of the integrity of the upcoming electoral results,” sabi ni Pacquiao.
Sinabi ng DepEd na mayroon din itong mga hakbang na ginagawa upang malinis ang ahensya.
“To allege wrongdoing, unsupported by specific facts or without naming names, is tantamount to false accusation. The good senator has been in office for more than 9 years, hence, he cannot claim to be morally blameless if the allegation be true, as self-righteousness is consuming. The Good Book instructs, “Let any one of you who is without sin cast the first stone,” dagdag pa ng DepEd.