P11M halaga ng droga nakumpiska sa 3 drug suspek

Alfred Dalizon Mar 2, 2025
19 Views

TATLONG Nigerian nationals ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang buy-busts sa Bacoor City, Cavite na nagresulta sa pagkakakumpiska ng halos P11.336 milyong halaga ng halu-halong illegal na droga noong Biyernes.

Sa report kay PDEA Director General Isagani R. Nerez, kinilala ang mga natiklo na sina alyas Ik, 30; alyas Stanley, 34; at alyas Kenneth, 26.

Dakong alas-8:40 ng gabi nahuli ang dalawa sa harap ng isang botika sa Brgy. Molino III, Bacoor City.

Nakumpiska naturang operasyon ang 800 piraso ng blue tablets na pinaghihinalaang Ecstasy na nagkakahalaga ng P1.360 million, 50 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 at buy-bust money.

Ang ikatlong suspect naaresto sa follow-up operation sa Magdiwang Road sa Brgy. Molino II makalipas ang tatlong oras.

Nakuha sa pag-iingat ng naaresto ang 4,753 na piraso ng pink, blue, purple, brown, gray at orange tablets na pinaniniwalaang Ecstasy, 230 gramo ng shabu na may halagang P1.565 million at iba pang bags na naglalaman ng pinaghihinalaang powdered Ecstasy.

Nagkakahalaga ng halos P9.636 million ang nakuha sa 3rd suspek.

Ang tatlong African nahaharap sa mga non-bailable na kasong pagbebenta at pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.