Obispo Makikita sa itaas na larawa ang bagong Obispo ng Balanga Most Rev. Rufino Coronel Sescon Jr., D.D., ang ikalimang Obispo sa Bataan. Nasa ibabang larawan sina Gov Joet Garcia, Cong. Abet Garcia at iba pang opisyales ng Bataan. CHRISTIAN D SUPNAD

Bagong Opispo ng Balanga na si Most. Rev. Sescon Jr., D.D., nanawagan ng pagkakaisa

Christian Supnad Mar 4, 2025
16 Views

Obispo1BALANGA CITY, Bataan — May bagong Obispo ang Balanga City sa katauhan ni Most Rev. Rufino Coronel Sescon Jr., D.D.,

Si Rev. Sescon ang ikalimang Obispo sa Bataan.

“Let us be one for the progress, justice and peace that are part of God’s plan. Let us have unity in this place in Christ’s name.”Ani Bishop Sescon sa kanyang pahayag matapos siyang mailuklok, sa utos ni Pope Francis:

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Gov Joet S Garcia na “Isang makasaysayang araw ang naganap sa Diyosesis ng Balanga, unang araw ng Marso sa Cathedral Shrine and Parish of St. Joseph, nang opisyal na pong itinalaga si Lub. Kgg. Rufino Coronel Sescon Jr., D.D. bilang ika-limang Obispo ng Balanga.”

Ang pag upo ni Bishop Sescon ay sinamahan nina Apostolic Nuncio Charles John Brown, Lingayen Archbishop Socrates Villegas, Jose Cardinal Advincula of Manila, Antipolo Bishop Ruperto Santos at iba pang Obispo.

Sina Villegas at Sescon ay parehong staff ng namayapang si Jaime Cardinal Sin.

Si Villegas ang ikatlong Obispa ng Balanga samantalang si Santos ang pang-apat, na sinundan ni Sescon.

“Tayo po ay kaisa ng mga kapatid nating Katoliko sa pagdiriwang ng makasaysayang araw na hudyat ng bagong yugto ng kasaysayan ng Diyosesis at maging marka ng isang makulay na panimula ng pamumuno ni Bishop Sescon sa ating komunidad na may malakas at matatag na pananampalataya at serbisyo.

“Ang nasabing makasaysayang araw ay sinaksihan nina His Excellency Charles John Drown, D.D., (Papal Nuncio to the Philippines), His Eminence Jose Cardinal Advincula, D.D., His Eminence Pablo Cardinal David, D.D., mga kinatawan ng Arkidiyosesis ng Maynila at Diyosesis ng Balanga, mga dating Obispo ng Balanga na sina Most. Rev. Honesto F. Ongtioco, Most Rev. Socrates Villegas, at Most Rev. Ruperto Santos, Most. Rev. Florentino G. Lavarias, D.D., mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan, bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan, mga alkalde sa ating Lalawigan,” ani Garcia.