Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Sen. Risa: Bakit ayaw mong bumalik, Harry Roque?

88 Views

SERYOSO at nakababahala ang pag-alis ng dating presidential spokesman na si Harry Roque sa Pilipinas, ayon kay Sen. Risa Hontiveros

Tinukoy niya na mismong si Roque ang nagsabing ang kanyang matagalang pagkawala isang “flight from a congressional contempt,” na ayon kay Hontiveros isang “a clear admission of his liability for the crime of disobedience to summons by Congress under Article 150 of the Revised Penal Code.”

Kinuwestiyon din ni Hontiveros ang paraan ng pag-alis ni Roque lalo na at iniimbestigahan ng Bureau of Immigration (BI) kung gumamit siya ng iligal na paraan upang makalabas ng Pilipinas.

“It is extremely ironic that Roque is talking about his right to travel, when the Bureau of Immigration has declared that it is studying the filing of cases against him for leaving the country via illegal means,” sabi ng senador.

Ayon sa BI, ang huling naitalang paglalakbay ni Roque noong Hulyo 2024 ng bumalik mula sa Los Angeles.

Walang rekord ng kanyang kamakailang pag-alis.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na maaaring gumamit si Roque ng pekeng immigration clearance o nakatanggap ng tulong mula sa mga tiwaling indibidwal upang makalabas ng bansa.

Idinugtong din ni Hontiveros ang isyung ito sa kasong qualified human trafficking na kinakaharap ni Roque kaugnay ng kanyang umano’y koneksyon sa Lucky South 99, isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga.

Ayon sa mga awtoridad, ang naturang pasilidad ay natukoy bilang sentro ng mga ilegal na aktibidad.

Itinanggi ni Roque ang anumang pagkakasala at iginiit na may karapatan siyang bumiyahe at wala siyang legal na hadlang sa kanyang pag-alis.

Pinag-aaralan ng BI ang posibleng pagsasampa ng karagdagang kaso laban kay Roque dahil sa umano’y iligal na pag-alis niya sa bansa, kabilang ang posibleng falsification of public documents.

Nanindigan si Hontiveros sa kanyang panawagan kay Roque na bumalik sa bansa at harapin ang mga paratang laban sa kanya.

“Kung talagang travel lang yan, bakit iligal ang pag-alis mo sa bansa at bakit ayaw mo nang bumalik dito, Harry Roque,” sabi ng senador.