Calendar
Provincial
Rizal cops nakatiklo ng 3 suspek sa rape
Jojo Cesar Magsombol
Mar 6, 2025
538
Views
TATLONG suspek sa kasong panggagahasa ang naaresto noong Lunes sa Rizal.
Nahuli ang mga suspek ng mga tauhan ng Angono police bandang alas-2:47 ng hapon, ayon kay P/Col. Felipe Maraggun, hepe ng Rizal police.
Unang nahuli si alyas Florante, ayon sa report para sa krimeng qualified rape.
Si alyas Rezel nadakip pasado alas-3:40 ng hapon sa isinagawang operasyon ng mga pulis-Binangonan.
Nasakote naman si alyas Gian alas-5:45 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Carissa Dao ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 174 ng San Mateo, Rizal.
Bebot na HVI sa Cainta tiklo sa P1.7M shabu
Oct 14, 2026

