Pacquiao Sen. Pacquiao

Solusyon vs tumataas na presyo ng isda, produktong agri sa Bohol isusulong ni Pacquiao

Mar Rodriguez Mar 6, 2025
14 Views

ISUSULONG ni “Pambansang Kamao” at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao ang kongkretong solusyon para matugunan ang tumaas na presyo ng isda kasama na ang mga agricultural products sa Bohol.

Nais din ni Pacquiao na isulong ang pagpapalakas ng turismo sa Bohol habang kinakailangan aniyang masolusyunan ang humuhupang shorelines sa nasabing lalawigan na nakakaapekto sa mga coastal communities doon.

Binigyang diin ni Pacquiao, bilang nagsusulong ng adbokasiya patungkol sa poverty alleviation at economic reforms, na kinakailangan ang tinatawag na direct government intervention para mapababa ang presyo ng isda kasama na mga agricultural products.

Sabi ng dating senador na maraming mangingisda sa Bohol at sa buong bansa, subalit ang ipinagtataka nito aniya ay kung bakit mataas ang presyo ng isda sa mga palengke.

“Marami tayong mangingisda sa Bohol at sa buong bansa. Pero bakit ang taas ng presyo ng isda sa palengke? Kailangan natin siguraduhin na abot-kaya ito para sa bawat Pilipino,” sabi ni Pacquiao.

Iminumungkahi ni Pacquiao sa pamahalaan ang pagkakaroon ng subsidy para sa mga lokal na mangingisda upang mabawasan ang operational costs kabilang na rin sa kaniyang panukala ang pagpapataas sa pondo para sa modernong fishing equipment.

Pagdidiin pa ng dating 8th division world boxing champion na kinakailangan paigtingin din ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kanilang kampanya laban sa illegal fishing na nakaka-apekto ng mga lehitimong mangingisda.

Habang pinagtibay di ni Pacquiao ang kaniyang commitment para matulungan ang pamumuhay ng mga magsasaka at mga nasa hanay ng agricultural sector.