Job

Job fair sa Manila na pinangunahan ni Mayor Honey dinumog

Edd Reyes Mar 13, 2025
27 Views

TAGUMPAY ang Kalinga sa Maynila job fair nang dumugin ng mga aplikante noong Miyerkules sa Sampaloc, Manila.

Isinabay ang job fair na pinangasiwaan ni Public Employment Service Office (PESO) Director Fernan Bermejo at pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto sa kanto ng Matimyas at Sto Tomas Sts. sa Sampaloc alas-7:0] ng umaga.

Humigit-kumulang sa 2,500 na bakanteng trabaho ang inialok ng PESO para sa mga high school graduates, college level, tech/voc at college graduates, katuwang ang Department of Labor and Employment-National Capital Region at DOLE-NCR Manila Field Office.

Bagama’t marami sa mga aplikante ang kaagad natanggap sa trabaho, hindi kaagad nakapagbigay ng bilang ng mga nagkatrabaho kaagad ang PESO.

Nagkaloob din ng serbisyo ang lokal na pamahalaan sa mga residente ng Brgys. 527, 529, 532 at 533 tulad ng pagkakaloob ng ID sa mga solo parent, PWD at senior citizen pati libreng medical check-up, bakuna sa mga alagang hayop at iba pa.