Lacuna1

Manila mayor sinabing dapat malinis mga kalsada

Edd Reyes Mar 18, 2025
21 Views

NANINIWALA si Mayor Honey Lacuna na mahalagang mapanatiling malinis ang mga kalsada sa lahat ng oras sa Maynila.

Ayon sa alkalde, walang tigil ang mopping, hauling at sweeping operations ng Department of Public Service (DPS) sa Delpan Bridge, Delpan Complex, Recto, Soler, T. Mapua, Dasmarinas St., Q. Paredes, Reina Regente, Plaza Ruiz, San Fernando St., Juan Luna, San Vicente, Escolta, Grand 1919 Cafe, MD Industria, A. Mendoza, A.H Lacson, Rizal Avenue, A. Bonifacio, P. Casal, Arlegui, Legarda, Masangkay, Jose Abad Santos Ave., T. Mapua, Plaza Fair, Avenida, Quezon Blvd., Loyola St., Bilibid Viejo at Hidalgo.

Ang DPS Team Mandaragat at DPS Baseco Beach Warriors hindi natitinag sa tungkulin na linisin at hakutin ang mga basura sa mga baybayin kaakibat ng kanyang adhikain tungo sa maayos, malinis at maaliwalas ng katubigan.

Sinabi pa ng alkalde na ang DPS Estero Rangers patuloy sa paglilinis sa mga estero, kanal, imburnal at iba pang daluyan ng tubig upang alisin ang mga tambak na basurang bumabara sa daloy ng tubig.

Noong Martes 34 bags ang napuno ng basura na karamihan styrofoam, plastic sachet, plastic bottles, sirang kahoy at iba pa ang nahakot ng mga Estero Rangers sa paglilinis sa Estero de Tutuban sa Brgy. 224, Zone 21.

Pinaalalahanan ng alkalde ang mamamayan na ipinagbabawal ang pagtatapon ng mga basura sa estero at sa lahat ng katubigan, bangketa, kalye o kalsada sa lungsod.

Nauna ng pinabulaanan ni Mayor Lacuna ang umano’y natigil na paglilinis ng mga Estero Rangers at Beach Warriors na naging dahilan upang maging dugyot ang Maynila.