Ivana Personal na nagpasalamat ang grupo ng Agrikultura Sector AGAP Partylist sa pamumuno ni Rep.Nicanor “Nikki” Briones kay aktress/vlogger Ivana Alawi. Kuha ni JONJON C. REYES

Agap nagpasalamat sa suporta ni Ivana Alawi

Jon-jon Reyes Mar 19, 2025
14 Views

NAGPASALAMAT ang sektor ng agrikultura partikular na ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) Partylist sa nakita nilang pagsuporta ng aktres/vlogger na si Ivana Alawi sa kanilang grupo.

“Huwag ako ang inyong pasalamatan dahil dapat kami ang magpasalanat sa inyo dahil ipinaglalaban ninyo na bumaba ang presyo ng bilihin at upang mayroon pang-araw araw na pagkain sa hapag kainan ang bawat mamamayang Pilipino, “ tugon ni Alawi.

Ipinahayag ni Ivana na noong nakaraang halalan wala siyang sinuportahan dahil kaniya muna itong pinag-aralang mabuti.

“Napakaarte ko at napaka-choosy pagdating sa politiko. Hindi naman ‘yan para sa akin o ikakaganda ko o para sa pamilya ko. Para ito sa Pilipinas, para sa mga kababayan natin. Ano’ yung makakapagpaganda sa bansa natin,” wika ni Ivana.

At sa kanyang pag-iikot habang gumagawa ng mga content sa kanyang mga vlog nakita niya at naramdaman ang layunin ng sektor ng agrikultura partikular ang mga magsasaka, mangingisda, magbababoy at magmamanok.

Personal na tinuran ni Ivana na ang kanyang napupusuan pagdating sa usapin ng agrikultura at ipinaglalaban ang kapakanan ng mga magsasaka ng AGAP Partylist sa pangunguna ni Rep. Nicanor “Nikki” Briones.

“Sa ngayon, sinasabi ko na very, very confident ako sa AGAP partylist, hindi naman ako pumapasok sa isang partylist na hindi ko pinag-aralan, nakita kong ang AGAP ang may puso sa mga magsasaka”pahayag ni Ivana.

Ayon pa kay Alawi, hindi siya tumitingin sa pera para lamang suportahan ang isang Partylist kung ‘di nararamdaman niya ang pangangailangan at paghihirap ng mga nasa sektor ng agrikultura dahil siya mismo lumalabas at namimili ng personal sa palengke at nakita niya ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.

Pinagtuunan ni Ivana ng pansin kung ano ang magagawa at nagawa na ng isang grupong nais maluklok sa pwesto at talagang ang AGAP Partylist lang ang mayroon ganiting katangian.

Nagpasalamat naman si Rep.Briones sa pahayag ng aktres na gusto niyang tulungan at suportahan ang nasabing sektor.

Umaasa naman ang AGAP na sa pamamagitan ng pagsuporta ng aktres, makukuha na ang grupo ng tatlong pwesto sa Kongreso upang maipakita ng mga magsasaka at kooperatiba, at 30 milyong Filipino na nasa sektoral ang kanilang pagmamalasakit.

Ayon pa kay Rep. Briones na sa pamamagitan ni Ivana maiparating nila na kailangan magkaisa at ipaglaban ang sektor ng agrikultura at kooperatiba tungo sa Bagong Pilipinas na siyang hinahangad din ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr…