Manila job fair sinaksihan ni Yorme, VM Chi
May 1, 2026
Calendar
Kinilala ni P/Lt. Col.Nelson Cortez (kaliwa) ang suspek matapos maaresto habang nag-aasemble ng improvised na baril sa Paco, Manila. JONJON C. REYES
Metro
May boga tiklo sa parak
Jon-jon Reyes
Mar 21, 2025
391
Views
ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang 25-anyos na lalaki sa pagdadala ng baril sa Nieto St., Brgy. 674, Paco, Manila noong Biyernes.
Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, hepe ng Ermita Police Station 5, bandang alas-9:45 ng umaga nahuli alyas Jan-Jan.
Base sa imbestigasyon nina PSSg Junard Romero at Pat. Johnric Parangitan, may nagsumbong sa kanila na may lalaki na nag aasemble ng improvised na baril sa nabangit na lugar.
Tinungo ng mga pulis ang lugar kaya nahuli ang suspek.
Ang suspek nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at B.P. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).
Manila job fair sinaksihan ni Yorme, VM Chi
May 1, 2026
Kelot ‘papatay’ dahil sa cellphone
May 1, 2026
Nagpakilalang abogada inaresto
Apr 30, 2026

