Garcia

Inagurasyon ni VP-elect Duterte sa Hunyo 19 hindi labag sa batas — Comelec

258 Views

WALANG nakikitang problema ang Commission on Elections (Comelec) kung isagawa ang inagurasyon ni presumptive vice president Sara Duterte sa Hunyo 19 kahit na magsisimula ang termino nito sa tanghali pa ng Hunyo 30.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia walang nakasaad sa Konstitusyon na dapat sa Hunyo 30 isagawa ang panunumpa sa tungkulin ng nanalong bise presidente.

Plano ni Duterte na isagawa ang kanyang inagurasyon sa Hunyo 19 sa Davao City kung saan nagsimula ang kanyang karera sa pulitika.

Sinabi naman ni Atty. Vic Rodriguez na hindi pa napaplano ang inagurasyon ni presumptive president Ferdinand Marcos Jr.

Sa susunod na linggo isasagawa ng Kongreso ang canvassing ng mga boto para sa pagkapangulo at bise presidente. Ito ang opisyal na pagsasama-sama ng boto upang matukoy ang nanalo.

Batay sa unofficial tally, sina Marcos at Duterte ay nakakuha ng mahigit 31 milyong boto.