Sarah Discaya

Team Discaya campaign kick of ipinagpaliban

47 Views

BINATIKOS ng mga residente sa Pasig City ang hindi umano pagpayag ng LGU na magamit ni mayoral candidate Sarah Discaya ang public venue sa lungsod para sa paglulunsad ng kaniyang kampanya sa March 28.

Nabatid na naghain ng aplikasyon ang “Team Kaya This” sa Pasig city hall para makapagsagawa ng campaign kick-off sa Plaza Rizal sa nasabing petsa.

Bagaman inaprubahan ang request base sa ipinagkaloob na special permit, ang ibinigay na venue sa Team ni Discaya ay ang Caruncho Avenue na pangunahing lansangan at gamit na gamit ng mga motorista sa halip na ang Plaza Rizal.

Ayon sa Team ni Discaya maaaring magdulot ng traffic sa lugar kung doon nila gagawin ang launching ng kampanya.

Inaalala ng mga residente na ang pagbibigay ng nasabing venue kay Discaya para sa kick-off campaign ng “Team Kaya This” ay magdudulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko at maaaring magdulot ng bahid sa imahe ng kandidatura nito.

Nagpasya ang mga tagasuporta ni Discaya na ipagpaliban na lamang ang kick off campaign ng “Team Kaya This” para hindi makaaabala sa mga motorista at mga residente.

Sinabi ng mga tagasuporta ni Discaya na ang “Team Kaya This” ay mananatiling nakatutok sa pagbibigay solusyon sa mga suliranin sa Pasig.