Sen. Poe

Ethical practices upheld in print media, not in socmed–Sen. Poe

34 Views

TAGAPAGTANGGOL ng katotohanan ang print media lalo na ngayong laganap ang fake news, ayon kay Sen. Grace Poe.

Sa pagtitipon ng United Print and Multimedia Group, sinabi ng senador na: “Print remains essential in media today because it is seen as a bastion of accountability and responsibility.”

Ikinumpara niya ang mabilis ngunit kadalasang hindi nasusuring daloy ng impormasyon sa social media sa mas mabusising pamamaraan ng traditional journalism.

“The distinct feature of social media is speed; the content creator’s objective is to go viral,” paliwanag niya.

Iginiit niya na: “ethical practices in journalism, most important of which is fact-checking, are consistently upheld in print media.”

Ayon kay Poe, mas mataas ang antas ng tiwala ng publiko sa print at broadcast media kumpara sa mga digital platforms.

Gayunpaman, binanggit din niyang may impluwensya pa rin ang mga nangyayari sa digital world sa desisyon ng publiko–mula sa pagbili ng produkto hanggang sa pagboto ng kandidato.

“Freedom of information and access to accurate and correct information are vital to a democratic state such as ours,” ayon sa kanya.

Ipinunto rin niyang ang mga platform tulad ng Facebook at TikTok “only facilitate the spreading of information,” ngunit ang pananagutan nasa mga taong nasa likod ng nilalaman.

“The same is true for print media. Your role has not been diminished with the passage of time and technology. It still is as important today as it was yesterday,” sabi ng senador.

Sa pagbanggit sa isang 2023 global study na isinagawa ng Toluna, ibinahagi ni Poe na 71% ng mga respondent ang naniniwalang mas malalim ang kanilang pagkaunawa sa mga istorya kapag nasa nakaimprentang anyo.

Iminungkahi rin niyang ang lakas ng print sa lalim at kredibilidad maaaring isama sa bilis at abot ng digital media.

“Print media’s virtues of depth, thoroughness, and trust can be married to the speed and wide reach of social media.

But I leave that up to the competent minds on how to best integrate print with digital campaigns, and leverage the strengths of each,” pagtatapos ni Poe.