Belmonte

QC exec sinuspinde dahil sa sex harassment case

Mar Rodriguez May 20, 2022
190 Views

SINUSPINDE ng anim na buwan ng Quezon City Government ang isang mataas na opisyal nito dahil sa kasong “sexual harassment”.

Sa pamamagitan ng “complaint letter” na ipinadala ng isang babaeng emplayada kay QC Mayor Josefina “Joy” Belmonte-Alimurong. Inireklamo nito ang nasabing mataas na opisyal ng QC government dahil sa “verbal at physical” sexual harrassment na ginagawa nito sa kaniya.

Matapos malaman ni Mayor Belmonte-Alimurong ang naturang reklamo, agad naman niya itong ipinadala sa Committee on Decorum and Investigation – Legislative Department o CODI-Legis upang magsagawa ng kaukulang imbestigasyon at rekomendasyon laban sa mataas na opisyal.

Pagkatapos ng mga isinagawang pagdinig hinggil sa kaso. Kung saan, si QC Vice-Mayor Gian Sotto ang tumatayong disciplining authority para sa Legislative Department.

Napatunayan dito na nilabag ng mataas na opisyal ang isinasaad ng batas. Kaugnay sa sexual harrasment sa ilalim ng Memorandum Circular No. 12-S2020 and 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service.

Sa ilalim ng nabanggit na batas, ang mataas na opisyal ay suspendido sa loob ng anim na buwan at wala siyang matatanggap na sahod.

Binigyang diin naman ni Mayor Belmonte na hindi kailanman kukunsintehin ng kaniyang administrasyon ang anumang uri ng pang-aabuso laban sa mga kababaihan.

“May this case serve as a reminder to our employees that we will not be complacent against any erring employee or official. We encourage all victims of abuse to report to our Gender and Development Office so we can initiate proper administrative and legal action,” sabi ni Belmonte-Alimurong.