Calendar

Pagkakaroon ng maayos na tirahan para sa mga OFWs suportado ni Milka Romero
SINUSUPORTAHAN ni 1-PACMAN Party List Group First Nominee Mikaela Louise “Milka” Romero ang pagkakaroon ng maayos at disenteng tirahan para sa libo-libong Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sabi ni Romero na ang isa sa mga adbikasiyang kaniyang isinusulong ay ang pagtataguyod sa kapakanan ng ating mga OFWs na itinuturing na mga “Bagong Bayani”.
Dahil dito, ipinahayag ni Romero na kung itinuturing na mga “Bagong Bayani” ang mga OFWs. Nararapat lamang aniya na maibigay sa kanila ang mga nararapat na serbisyo gaya ng pagkakaroon nila ng maayos na tirahan o “temporary shelter” sa Metro Manila habang naghihintay ang mga ito ng deployment sa mga bansang pagta-trabahuhan nila.
Ang naging reaksiyon ni Romero ay alinsunod sa sumbong o reklamo na natanggap nito mula sa isang OFW patungkol sa temporary shelter na kanilang tinutuluyan. Kung saan, hindi maayos ang mga palikuran, walang maayos na matutulugan o walang double deck beds ang baat silid at nakapasikip ng nasabing lugar para sa mga OFWs.
Dahil dito, nananawagan si Romero sa pamunuan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang magkaroon sila ng mahigpit na monitoring hinggil sa kalagayan ng mga OFWs sa nasabing temporary shelter upang matiyak ang kanilang maayos na kondisyon pati na ang kanilang pagkain habang nag-aantay sila ng deployment.
Ipinahayag din ni Romero na sakaling papalarin siyang mahalal bilang Kinatawan ng 1-PACMAN Party List sa Kamara de Representantes. Sisikapin aniya nitong magkaroon ng maayos na kondisyon ang mga OFWs sa mga temporary shelters gaya ng maayos na bentilasyon, pagkakaroon ng emergency exits, paglalagay ng water dispenser, maayos na palikuran at imbak ng pagkain.
Samantala, nakuha ni Romero ang buong suporta ng mga taga Tagbilaran, Bohol.